Binabantayang LPA sa bansa, malabo pa ring maging bagyo

Photo credit: DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang LPA sa layong 115 kilometers Silangan ng Borongan, City, Eastern Samar bandang 3:00 ng hapon.

Malabo pa rin aniya ang tsansa na lumakas ang LPA at maging bagyo.

Sa pagtama sa kalupaan ng Eastern Visayas o Bicol region, posible nang malusaw ang LPA.

Ngunit, mag-iiwan pa rin aniya ito ng kaulapan na magdudulot ng pag-ulan sa gitnang bahagi ng bansa sa araw ng Miyerkules.

Sinabi pa ni Rojas na wala nang ibang sama ng panahon na namamataan ang sama ng panahon na posibleng makaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Maliban sa LPA, umiiral din ang Tail-End of Frontal System at Northeast Monsoon.

Read more...