Chinese envoy, ipapatawag ng Indonesia

In this image made from video, Stig Traavik, left, Norwegian Ambassador to Indonesia, left, and Susi Pudjiastuti, Indonesia Maritime and Fisheries Minister, speak before illegal fishing vessel Viking, which was seized by Indonesia’s Navy, is sunk with explosives in the waters off Pangandaran, West Java, Indonesia, Monday, March 14, 2016. Indonesian authorities used explosives to sink the last major sought-after illegal fishing vessel on Monday after it had evaded international authorities for years, reiterating a strong message to would-be poachers that enter the country's waters. (AP Photo/APTN)
(AP Photo/APTN)

Nakatakdang ipatawag ng bansang Indonesia ang Chinese charge’ d’ affairs na nakatalaga sa Jakarta matapos ang insidente ng komprontasyon ng barko ng dalawang bansa sa South Shina Sea.

Ang hakbang ng Indonesia ay resulta nang banggain ng isang Chinese Coast Guard vessel ang surveillance ship ng naturang bansa sa naturang rehiyon noong Sabado.

Una rito, naaktuhan ng mga Indonesian surveillance ship ang isang Chinese fishbing boat na iligal na nangingisda sa bahagi ng Nautna islands na teritoryo ng Indonesia.

Habang hila-hila ng surveillance ship ang Chinese fishing boat, biglang sumulpot ang Chinese coast Guard at binangga ang surveillance ship ng Indonesia.

Giit ni Fisheries Minister Susi Pudjiastuti, dapat inirerespeto ng China ang soeberenya ng kanilang bansa.

Hiling din nito, dapat maghain ng isang ‘strong protest’ ang Indonesia sa ipinakitang ‘kayabangan’ ng mga Chinese vessels.

Simula nang maupo bilang fisheries minister noong 2014, pinaigting na ni Pudjiastuti ang kampanya kontra sa illegal fishing sa karagatang kanilang nasasakupan.

Tulad ng ibang bansa, kinokontra rin ng Indonesia ang 9-dash line conept ng China dahil sinasakop nito ang kanilang exclusive economic zone hilagang-kanlurang bahagi ng kanilang bansa.

Read more...