Speaker Velasco hinamong imbestigahan ang Makabayan Bloc sa Kamara

December 01, 2020 - 11:02 AM

Nakatanggap ng pagbatikos mula sa supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Speaker Lord Allan Velasco.

Anila tila nasampal at nagising ang house speaker sa ginawa nitong pagtanggol sa red tagging issue sa Makabayan Bloc.

Ang pambabatikos kay Velasco ay sa harap na rin ng naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa naging engkuwetro ng military sa pagitan ng komunistang grupo kung saan napatay ang bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn ay nagapapatunay na may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan Bloc ay sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

“Actually dahil sa nangyari ngayon, anak pa ng congresswoman na Makabayan ‘yung namatay,yung red-tagging namin ay may basis.May basis na sila ay sumusuporta, ‘yung Makabayan, sinusuportahan nila itong CPP-NPA at saka ‘yung tinatawag na armed struggle ng NPA,” paliwanag ni Lorenzana.

Sa mga kaalyado ni Pangulong Duterte ay tanging si Velasco ang umalma sa red tagging isyu sa Makabayan Bloc at nagsabing walang sapat na ebidensya laban sa mga progressive solons at binalaan pa nito si Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.na mag-ingat sa kanyang mga akusasyon sa na walang basehan.

“As Speaker of the House, I am duty bound to protect them from potential harm due to these careless accusations. General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence These lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated is uncalled for,”nauna nang pagtatangol ni Velasco.

Hamon ng DDS Blogger na si Mark Lopez kay Velasco ngayong napatunayan ang red tagging sa mga progressive solons at mismong si Pangulong Duterte muli ang nagsabing front organization ng CPP-NPA-NDF ang Makabayan Bloc sa Kamara ay magsagawa na ito ng imbestigasyon.

“Take the cue and initiate expulsion proceedings na. Its ok if your move will be challenged along the way,ang importante you did your part in our effort to rid our society of this long standing menace”pahayag ni Lopez.

Bilang lider ng Kamara ay dapat umaksyon si Velasco sa napatunayang pagkakasangkot sa red tagging ng mga kasapi ng Makabayan Bloc, giit ng DDS, hindi dapat ang Senado ang syang nagsasagawa ng imbestigasyon sa red tagging kundi dapat ay unang gumawa nito ay ang Mababang Kapulungan dahil miyembro nila ang mga progressive solons.

Suportado ng DDS ang panawagan ng dating NPA rebel at star witness ng gobyerno na si Jeffrey Celiz alyas Ka Eric na magbitiw bilang miyembro ng Kamara ang Makabayan Bloc dahil guilty ito sa kasong treason, una ay nilalabag nito ang kanilang sinumpaang tungkulin na dapat ipagtanggol nila ang Konstitusyon laban sa mga kalaban ng gobyerno, ikalawa ay nililinlang nito ang taumbayan dahil ang kanilang loyalty ay wala sa tao at sa gobyerno.

Naniniwala ang mga supporters ni Pangulong Duterte na may hurisdiksyon ang Kamara para mapatalsik ang mga Makabyan Bloc subalit nangangailangan ito ng inisyatibo mula kay Velasco.

Una nang sinabi ng DDS supporter na si Byron Cristobal o kilala sa tawag na Banat By na dalawa lamang ang nakikita nilang dahilan ng pagkampi ni Velasco sa Makabayan Bloc, una ay natatakot syang banggain ang CPP-NPA dahil mayroong mga NPA sa distrito nito sa Marinduque o mapapakinabangan nya sa 2022 election ang mga ito.

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.