13 pinangangambahang nasawi sa helicopter crash sa Indonesia
Isang military helicopter na may sakay na 13 katao ang bumagsak sa central Indonesia, at ayon sa inisyal na ulat, nasawi lahat ng sakay nito.
Ayon sa military spokesman na si I Made Sutia, 13 opisyal ng militar ang sakay ng nasabing helicopter, ngunit bine-beripika pa nila kung totoo ang ulat na nasawi ang mga ito sa aksidente.
Nag-crash ang Bell helicopter sa Kasiguncu village sa Poso district, central Sulawesi, kung saan may isang radikal na grupo ng mga Islam ang nakikipag-digmaan sa mga tropa ng pamahalaan.
Noong nakaraang buwan lamang, bumnagsak naman ang isang maliit na Super Tucano turboprop plane sa isang residential area habang nagsasagawa ito ng test flight, na ikinasawi ng tatlong katao.
Noong Disyembre naman, dalawang piloto ang nasawi nang bumagsak ang isang military plane sa central Java habang nagsasagawa ng manoeuvres.
At noong Hunyo ng nagdaang taon, isang Hercules C-130 ang bumagsak sa isang residential area sa Medan, Sumatra Island kung saan 142 ang nasawi at nagdulot din ito ng malawakang pinsala sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.