BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 432,925 na

Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 1), umabot na sa 432,925 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 25,725 o 5.9 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,298 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.4 porsyento ang asymptomatic; 0.30 porsyento ang moderate; 2.9 porsyento ang severe habang 5.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 27 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,418 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 135 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 398,782 o 92.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...