Roque, walang balak tumakbong senador sa 2022 elections

By Chona Yu December 01, 2020 - 04:32 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Walang balak si Presidential Spokesman Harry Roque na tumakbong Senador sa 2022 elections.

Ayon kay Roque, sa ngayon, okay na siya sa kaniyang buhay.

Mahigit 50 taon na aniya siyang nabuhay bilang isang private citizen.

Sinabi pa ni Roque na nais niyang bumalik na lamang sa dating buhay na kinakalaban niya ang mga nauupong pangulo ng bansa.

Dagdag ng kalihim, mas masaya ang ganung buhay.

Matatandaang tinawag ni Quezon Governor Danilo Suarez na senador si Roque nang magbigay ng ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Pero ayon kay Roque, buong buhay niya ay naging pribado na at nabago lamang nang pumasok sa gobyerno at maging kongresista ng partylist group noong 2016.

Sinabi pa ni Roque na wala na siyang ibang hinahangad kundi ang bumalik sa pribadong pamumuhay sa 2022.

“Ay naku, okay na ako sa buhay ko. For 54 years of my life, 50 years of it I was a private citizen. Para bumalik ako doon sa dati kong role na kakalabanin ko na lang iyong mga presidente. Mukhang mas masaya iyon,” pahayag ni Roque.

TAGS: 2022 elections, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, 2022 elections, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.