Paskuhan sa Maynila, bubuksan simula ngayong araw

By Angellic Jordan December 01, 2020 - 04:03 PM

Bubuksan na ng Manila City government ang tinatawag nas “village of lights and sounds” simula sa araw ng Martes, December 1, 2020.

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng Pasko.

Inorganisa ang Paskuhan sa Maynila ng Bureau of Permits, the Department of Tourism, Culture and Arts of Manila, at Department of Engineering and Public Works.

Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, nasa 200 trabaho ang mabubuksan dahil 60 exhibitors ang makikiisa sa Paskuhan sa Maynila

Magiging bukas ang naturang event simula 4:00 ng hapon hanggang 11:00 ng gabi at tatagal hanggang sa January 2, 2021.

Sinabi ni Facundo na ipinatupad ang proyekto alinsunod sa direktiba ni Mayor Isko Moreno para matulungan ang mga negosyong apektado ng COVID-19 pandemic.

Magbibigay aniya ang lokal na pamahalaan ng serology testing sa lahat ng exhibitors na makikiisa sa bazaar.

Magbibigay din ng face masks at face shields sa lahat ng sellers at guests.

Tiniyak din nito na susundin ang health protocols tulad ng paglalagay ng misting booths at contactless health declaration, pagkuha ng body temperature, at handy-sized alcohols.

Susundin din aniya ang 50-percent capacity, isang entrance, isang exit policy, at social distancing sa Mehan garden katuwang ang Manila Health Department, Manila Police District, at City Security Force.

Naka-standby din ang medical assistance at mga ambulansya mula sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office.

TAGS: Christmas during pandemic, Inquirer News, Manila LGU, Paskuhan sa Maynila, Radyo Inquirer news, Christmas during pandemic, Inquirer News, Manila LGU, Paskuhan sa Maynila, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.