Halos 7,000 pamilya na nasa granular lockdown, naayudahan sa ilalim ng Bayanihan 2 Emergency Subsidy

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang November 30, umabot na sa higit P38.5 milyon ang naipamahagi ng kagawaran sa 6,949 pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown.

Samantala, higit P190.7 milyon naman ang naipamahagi sa 26,922 karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

Read more...