Halos 100 panibagong COVID-19 cases, naitala sa Kamara

By Erwin Aguilon December 01, 2020 - 02:13 PM

Inquirer file photo

Nakapagtala ng halos 100 panibagong kaso ng COVID-19 ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kasunod ng isinagawang mass testing.

Ayon kay House Secretary Geneneral Mark Llandro Mendoza, katumbas ito ng limang porsyento ng 2,000 na mga kongresista at house employees na sumailalim sa transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing mula November 10.

Hindi naman malinaw kung ilan sa mga ito ang kongresista, congressional staff at mga empleyado.

Ayon kay Mendoza, ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng mass testing sa Kamara magmula nang ideklara ang COVID-19 pandemic noong Marso at ito ay ginawa sa loob lamang ng halos isang buwan matapos na maupo si Speaker Lord Allan Velasco.

Karamihan aniya sa mga nagpositibo sa virus infection ay asymptomatic.

Agad ding ipinag-utos sa mga positibo sa sakit ang self-isolate upang maiwasan ang hawaan sa iba pang miyembro at empleyado.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Kamara sa lokal na pamahalaan ng Quezon City upang magsagawa ng extensive contact tracing sa loob ng Batasan.

Bukod sa 98 na nagpositibo sa mass testing, nauna nang nakapagtala ng mahigit sa 80 COVID-19 cases ang Kamara mula noong Marso kung saan dalawang kongresista at tatlong employees na ang nasawi.

TAGS: breaking news, Congress COVID-19 cases, Congress COVID-19 deaths, Congress COVID-19 recoveries, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, Congress COVID-19 cases, Congress COVID-19 deaths, Congress COVID-19 recoveries, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.