Tatlong weather system, nakakaapekto sa bansa
Inihayag ng PAGASA na tatlong weather system ang nakakaapekto sa bansa.
Batay sa weather advisory bandang 11:00 ng umaga, umiiral ang Tail-End of a Frontal System, Northeast Monsoon, at Low Pressure Area.
Huling namataan ang LPA sa 85 kilometers East Northeast ng Borongan City, Eastern Samar dakong 10:00 ng umaga.
Inaasahang kikilos pa ito papalapit sa Eastern Visayas – Bicol Region area.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na malabong maging tropical depression ang LPA sa susunod na 24 oras.
Samantala, nakakaapekto naman ang Tail-End of the Frontal System sa eastern section ng Southern Luzon habang ang Northeast Monsoon naman ay sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Sinabi ng weather bureau na bunsod ng LPA at Tail-End of the Frontal System, mararanasan ang moderate hanggang heavy rains sa Eastern Visayas, Sorsogon, Albay, at Catanduanes.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay heavy rainshowers tuwing thunderstorms naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng Bicol Region.
Mga panandaliang light to moderate rains naman ang mararamdaman sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.