Bahay ng mga public school students sa San Juan kakabitan na ng libreng Fiber Optic Internet Connection

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2020 - 10:36 AM

Inumpisahan na ang pagkakabit ng libreng Fiber Optic Internet Connection sa mga mga estudyante sa San Juan na nag-aaral sa public schools.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, kakabitan ng Fiber Optic Internet Connection ang mga bahay ng mga public school students.

Ito ay para makatulong sa kanilang online education.

“Nagsimula na po ang pagkakabit para sa online education ng mga San Juaneño public school students na nakatira sa San Juan at nag-aaral sa ating San Juan public schools,” ayon sa Facebook post ng alkalde.

Dahil dito, ayon kay Zamora, lahat ng mga mag-aaral sa public schools sa lungsod ay magkakaroon na ng internet connection na fiber optic.

Ang basehan ng mga tahanan sa San Juan na kakabitan ng linya ng itnernet ay base sa official list na ibinigay sa ng DEPED-San Juan.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Fiber Optic Internet Connection, Inquirer News, online education, Philippine News, Radyo Inquirer, san Juan, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Fiber Optic Internet Connection, Inquirer News, online education, Philippine News, Radyo Inquirer, san Juan, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.