Mga adik, marijuana naman ang binibili dahil hirap makahanap ng suplay ng shabu – DILG
Kapansin-pansin na bumabalik sa paggamit ng marijuana ang adik dahil hirap silang makakuha ng suplay ng shabu.
Pahayag ito ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año kasunod ng aniya ay pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga.
Binanggit ni Año ang pagkakaaresto kamakailan sa tatlong katao sa EDSA, Balintawak sa Quezon City na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 128 kilo ng marijuana.
Noong November 24 ay mayroon din aniyang tatlong plantasyon ng marijuana na nadiskubre ang PNP.
Nagresulta ito sa pagsunog sa mga pananim na marijuana sa 28,000 na ektaryang lupain at aabot sa mahigit P5 milyon ang halaga.
Ayon pa kay Año, simula noong January 1 hanggang September 30 ang PNP at ang PDEA at ay nakapagsagawa ng operasyon kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga shabu, cocaine at ecstasy na aabot sa P12.47 billion ang halaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.