Tradisyunal na Christmas ceremony sa Vatican kinansela ni Pope Francis
Kinansela ni Pope Francis ang pagdaraos ng tradisyunal na Christmas ceremony sa Vatican.
Taun-taon ay inuumpisahan ang tradisyunal na seremonya ng Dec. 8.
Inumpisahan ang tradisyon noong 1953.
Kadalasan ay libu-libong katao ang nagtutungo sa lansangan malapit sa venue para saksihan ang aktibidad.
Pero ngayong taon, hindi muna ito mangyayari bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.
Ayon sa Vatican, ngayong taon, magsasagawa na lamang si Pope Francis ng private service para ipagsadal ang lungsod, mga residente nito at lahat ng may sakit sa buong mundo.
Magiging limitado din ang access sa lahat ng traditional Christmas activities ng Santo Papa.
Ilan lamang ang papayagan na pumasok sa St. Peter’s Basilica para sa papal Christmas Eve at Christmas Day Masses na ibo-broadcast na lamang ng live.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.