Pangulong Duerte abala sa trabaho sa Malakanyang hanggang bago mag Christmas break

By Chona Yu December 01, 2020 - 07:34 AM

Mananatili sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang bago nag Christmas break.

Sa talk to the nation kagabi, sinabi ng pangulo na pagkakaabalahan niya ang tambak na dokumento na kailangang basahin at pirmahan.

Pahayag ng pangulo, wala lang sanang bagyo pagsapit ng Pasko dahil tiyak na hahanapin na naman siya ng publiko.

Ayon sa pangulo, ito ang pinakamatagal niyang pamamalagi ngayon sa Malakanyang.

“So sa mga kababayan ko, medyo naibigay ko na ‘yung input sa inyo sa mga araw na ‘to. I’ll be back every Monday ata. So nandito ako. I’ll stay here for the longest time before Christmas. Sana huwag na magkabagyo-bagyo. Hanapin na naman tayo,” ayon sa pangulo

Pangako ng pangulo, magbibigay siya ng talk to the people tuwing araw ng Lunes para malaman ng taong bayan ang ginagawa ng pamahalaan kontra COVID-19.

Matatandaang nabatikos ng husto ang pangulo dahil sa pananatili sa Davao habang nanalasa ang bagyong Rolly at Quinta.

Naging abala naman ang pangulo sa ASEAN Summit habang nananalasa ang bagyong Ulysses.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Christmas break, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, talk to the nation, Breaking News in the Philippines, Christmas break, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, talk to the nation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.