Higit P10 pagtaas sa kada tangke ng LPG epektibo ngayong araw, Dec. 1

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2020 - 06:22 AM

Ngayong unang araw ng buwan ng Disyembre maliban sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo tumaas din ang presyo ng cooking gas o LPG.

Ayon sa abiso ng Petron, epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina, tumaas ng P0.96 kada kilo ang kanilang LPG.

Katumbas ito ng dagdag na P10.56 sa presyo ng bawat 11-kilogram na tangke ng LPG.

Tumaas din ang AutoLPG ng Petron ng P0.54 kada litro.

Samantala, ang kumpanyang Solane naman, epektibo alas 6:00 ng umaga ay may dagdag na P0.89 kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng dagdag na P9.79 sa bawat 11-kilogram LPG cylinder.

Ayon sa Solane, dahil sa state of calamity na umiiral sa Luzon, ang price adjustment ay magiging epektibo sa buong Luzon sa December 3 pa, alas 6:00 ng umaga.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, BUsiness, cooking gas, Inquirer News, LPG, oil price hike, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, BUsiness, cooking gas, Inquirer News, LPG, oil price hike, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.