Mga menor de edad posibleng mapayagan nang magpunta sa mall

By Dona Dominguez-Cargullo December 01, 2020 - 05:54 AM

Posible nang mapayagan ang mga menor de edad na makalabas ng bahay ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Sa televised briefing kagabi ng IATF kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Año na maglalabas ng guidelines ang Inter Agency Task Force kung saan ang mga menor de edad ay mapapayagan nang lumabas o pumunta ng mall.

Kailangan lamang ayon kay Año ay kasama nila ang kanilang magulang o guardians.

Bahagi ito ayon kay Año ng gradual expansion ng age group na pinapayagang makalabas na.

Matapos ang ilalabas na guidelines ng IATF sinabi ni Año na ito ay pagtitibayin ng ordinansa ng mga lokal na pamahalaan lalo na sa GCQ areas.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, gcq areas, Health, IATF, IATF Guidelines, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, gcq areas, Health, IATF, IATF Guidelines, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.