Binabantayang LPA ng PAGASA magpapaulan na sa ilang bahagi ng bansa

Tatlong weather system ang magdudulot ng pag-ulan ngayong araw sa loob ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan sa layong 375 kilimeters East ng Legazpi City, Albay.

Sa susunod na 24 na oras ay nananatiling maliit ang tsansang maging isang ganap na bagyo ang LPA.

Dahil sa LPA at sa Tail-end of a Frontal System (Shear line), makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas at sa lalawigan ng Aurora.

Bahagyang maulap na papawirin naman na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley at sa Cordillera Administrative Region.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon na mayroon lamang isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

Read more...