Ikalawang Pilipinas Debates sa Cebu, atrasado

debatesUmarangkada na ang ikalawang PiliPinas debates 2016 sa University of the Philippines o UP Cebu ngayong araw ng Linggo.

Ito’y matapos madelay ng mahigit isang oras ang debate, na dapat sana’y mag uumpisa alas-singko ng hapon.

Ang ugat ng delay ay ang umano’y kagustuhan ni Vice President Jejomar Binay na magdala ng mga ‘kodigo’ o mga dokumento sa stage, dahil mahalaga raw ito sa kanyang pakikipagdebate.

Pero pinabulaanan ito ng kampo ni Binay, at itinuro si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas na rason ng pagiging atrasado ng debate.

Kinumpirma naman ni Luchi Cruz Valdez, TV5 anchor at ang moderator ng PiliPinas debates, pinayagan niya na magdala ng notes o kodigo si Binay.

Gayunman, binawi ito at ipinaliwanag ni Valdez na uninformed daw siya o hindi niya alam ang Comelec rules hinggil sa pagdadala ng notes.

Pasado 6:31 ng gabi na pormal nang magsimula ang debate, kung saan present ang apat na Presidentiables na sina Binay, Roxas, Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

 

Read more...