Ikalawang Pilipinas Debates sa Cebu, atrasado
Umarangkada na ang ikalawang PiliPinas debates 2016 sa University of the Philippines o UP Cebu ngayong araw ng Linggo.
Ito’y matapos madelay ng mahigit isang oras ang debate, na dapat sana’y mag uumpisa alas-singko ng hapon.
Ang ugat ng delay ay ang umano’y kagustuhan ni Vice President Jejomar Binay na magdala ng mga ‘kodigo’ o mga dokumento sa stage, dahil mahalaga raw ito sa kanyang pakikipagdebate.
Pero pinabulaanan ito ng kampo ni Binay, at itinuro si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas na rason ng pagiging atrasado ng debate.
Kinumpirma naman ni Luchi Cruz Valdez, TV5 anchor at ang moderator ng PiliPinas debates, pinayagan niya na magdala ng notes o kodigo si Binay.
Gayunman, binawi ito at ipinaliwanag ni Valdez na uninformed daw siya o hindi niya alam ang Comelec rules hinggil sa pagdadala ng notes.
Pasado 6:31 ng gabi na pormal nang magsimula ang debate, kung saan present ang apat na Presidentiables na sina Binay, Roxas, Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.