Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nadagdagan pa

Tumaas pa ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Lunes, November 30, 5PM), nasa 4,689 na ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 67.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 158.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 4,914 pa rin.

Samantala ang bilang ng probable ay 300 habang 16 naman ang suspected.

Read more...