Perang ninakaw sa Bangladesh Central Bank, dapat na maibalik

By Isa Avendaño-Umali March 20, 2016 - 03:30 PM

Bangladesh Central Bank MainHinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang gobyerno na resolbahin sa lalong madaling panahon ang 81 million dollar cyber heist.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission for Migrants and Itinerant People, dapat dibdiban ang prosecution upang maibalik ang perang ninakaw mula sa Bangladesh central bank.

Giit pa ng obispo, kailangang maparusahan ang may kagagawan ng kontrobersiya, na itinuturing ngayon bilang isa sa pinakamalaking money laundering sa kasaysayan ng Pilipinas at buong mundo.

Aniya, malaking kahihiyan at dagok sa Pilipinas ang kaso, bukod pa sa kasalanan umano ito sa mga mahihirap, Overseas Filipino Workers o OFWs at higit sa lahat sa Bangladesh.

Inamin ni Santos na isa siya sa mga nangangamba na posibleng makaapekto ang iskandalo sa milyong-milyong OFWs, partikular sa mga nagpapadala ng remittances sa kani-kanilang mga pamilya.

Bukod dito, maaaring may branches ng Philippine banks din aniya ang mapupwersang magsara, na magdudulot ng limitasyon sa pagpapadala ng pera ng mga OFW.

Batay sa mga naunang ulat, ang laundered money na na-hack mula sa Bangladesh central bank ay dumaan sa RCBC Jupiter branch sa Makati City, at naitransfer naman sa tatlong casinos sa Metro Manila.

 

TAGS: $81-M cyber heist, CBCP, $81-M cyber heist, CBCP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.