Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 30), umabot na sa 431,630 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 24,580 o 5.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,773 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.5 porsyento ang asymptomatic; 0.31 porsyento ang moderate; 3.0 porsyento ang severe habang 5.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
19 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 8,392 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 44 naman ang gumaling pa sa COVID-19 dahil dito, umakyat na sa 398,658 o 92.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.