Makakapagsakay nang muli ang mga tren ng 30% passenger capacity, na mayroong 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Ang unang biyahe ng mga tren mula sa North Avenue station ay 4:37am, at 5:17am naman mula sa Taft Avenue station.
Matatandaang nagpatupad rin ng weekend shutdown ang linya noong ika-15 at ika-16 ng Nobyembre, upang magbigay-daan sa pagsasaayos ng mga turnouts sa 2A at 3C sections ng parehong istasyon. Makatutulong ang pagpapalit at pagsasaayos ng mga turnouts sa pagpapataas ng bilis ng mga tren sa 60kph ngayong Disyembre.
Upang masigurong ligtas ang mga pasahero, mahigpit na ipinatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa loob ng mga tren, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan: 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).