LOOK: 1,000 bikers kumahok sa ‘Bonifacio Day Fun Ride Fund Drive’ sa Iloilo City

Sa kakaibang pamamaraan ginunita ang Bonifacio Day sa Iloilo City ngayong araw, November 30.

Isinagawa ang ‘Bonifacio Day Fun Ride Fund Drive’ sa lungsod na layong makalikom ng pondo para maipangtulong sa mga nasalanta ng pagbaha sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa Iloilo City LGU, umabot sa nasa 1,000 bikers ang nakilahok.

Lumahok din ang mga biker mula sa power utility firm sa Iloilo City na MORE Power.

Nakalikom sila ng P103,050 na gagamitin para sa mga biktima ng bagyong Ulysses at Isabela.

Ang fun ride ay inorganisa ng Capitol Cycling Club ng Iloilo Provincial Capitol.

 

 

 

 

 

Read more...