800 special permits inilabas ng LTFRB ngayong Semana Santa

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Nasa mahigit walong daang special permits ang ipinagkakaloob ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board para makabiyahe ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni LTFRB Board member Atty. Ariel Inton na ang tanging napagbigyan lamang nila na makabiyahe labas ng kanilang ruta ngayong Holy Week ay ang mga bus na nakasunod sa mga rekisito ng ahensiya.

Paglilinaw ni Inton na babyahe pa rin sa kanilang mga orihinal na ruta ang mga bus base sa prangkisa na ipinagkaloob sa kanila ng LTFRB.

Muli namang nagbabala si Inton na mahaharap sa kaukulang parusa at multa na isang milyung piso ang mga bus na babyahe ng out of line o kolorum ngayong Semana Santa.

Sinuman aniya na walang special permit to travel ay hindi maaring pumasada nang walang pahintulot sa ahensiya.

 

Read more...