LOOK: Selebrasyon ng Bonifacio Day sa Bonifacio Monument Circle
Pinangunahan nina Caloocan City Mayor Oca Malapitan, Defense Sec. Delfin Lorenzana at National Historical Commission of the Philippines chair Rene Escalante ang pag-aalay ng bulaklak sa Bonifacio Monument Circle bilang paggunita sa ika-157 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio.
Pagkatapos ng simpleng pag-aalay ng bulaklak sa dambana ni Bonifacio ay inantabayanan ng mga dumalo ang virtual na mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng selebrasyon.
Ayon kay Mayor Oca, bagaman simple ang selebrasyon ng Bonifacio Day ngayong taon dahil sa pandemya ng COVID-19 ay mananatili pa rin ang pagpupugay para sa katapangan at kadakilaan ni Bonifacio.
“Ngayong panahon ng pandemya, patuloy nating isabuhay ang tapang at pagmamalasakit ni Bonifacio sa kapwa niya mga Pilipino at sa ating bayan,” ayon sa mensahe ng alkalde.
Kasama ring dumalo sa selebrasyon sina Lt. Gen. Erickson Gloria ng AFP, NPD Dir. Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, Caloocan Police chief Col. Samuel Mina, BFP-Caloocan Supt. Aristotle Banyaga, Vice Mayor Maca Asistio, Coun. Enteng Malapitan, Coun. Lanz Almeda, City Administrator Oliver Hernandez at iba pang opisyales ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.