Mga mamimili sa Divisoria pinaalalahanan na sumunod sa health protocols
Pinaalalahanan muli ni Manila Mayor Isko Morenk ang mga mamimili sa Divisoria na sumunod sa health protocols na inilatag ng pamahalaan kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Isko, welcome sa Divisoria ang mga mamimili.
Ngunit paalala ng alklade, kailangan sundin ang inilatag na minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa social distancing.
Ikinababahala kasi ni Mayor Isko ang patuloy na pagdagsa ng mga tao sa Divisoria para mag-Christmas shopping.
Kasunod nito, pinakikilos ni Mayor Isko ang buong kapulisan, mga opisyal at tanod sa mga barangay na nakasasakop sa Divisoria upang mahigpit na ipatupad ang kaayusan at regulasyon sa kalusugan habang papalapit na ang araw ng Pasko.
Dagdag pa ni Mayor Isko, kailangan paigtingin ang pagtutulungan ng gobyerno at ng mga mamamayan upang manatiling ligtas sa COVID-19 ang mga magpupunta roon.
Karamihan kasi sa mga namimili sa Divisoria ay galing pa sa iba’t ibang lalawigan para ipaninda ngayong holiday season.
Babala naman ng alkalde, hindi sila magdadalawang-isip na panagutin sa batas ang mga mahuhuling lalabag sa health protocols.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.