US-FBI, pasok na sa imbistigasyon ng pagnanakaw sa Central Bank ng Bangladesh
Pormal nang humingi ng saklolo ang Bangladesh sa U.S. Federal Bureau of Investigation upang matunton ang ‘cyber crook o hackers’ na nagnakaw ng 81 million dollars mula sa kanilang central bank.
Kinumpirma ni Interior Minister Asaduzzaman Khan na umapela ang Bangladesh ng assistance mula sa FBI nang makipagpulong siya sa isang grupo ng FBI agents nang pumutok ang central bank heist noong Pebrero.
Posibleng lumipad ang isang FBI team patungong Bangladesh ngayong linggo para bisitahin ang Criminal Investigation Department o CID ng naturang bansa.
Nauna nang napaulat na 951 million dollars ang tinangkang nakawin sa Bangladesh Bank ng mga hindi pa nakikilalang hackers.
Naharang ang ilang money transfers, maliban sa 81 million dollars na nai-transfer sa RCBC Jupiter branch sa Makati City, na ngayo’y itinuturing na isa sa pinakamalaking cyber heists sa kasaysayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.