Publiko hinimok na gayahin ang kabayanihan ni Bonifacio

By Chona Yu November 30, 2020 - 12:05 PM

Hinihimok ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na gawing inspirasyon ang katapangan at kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio.

Ginawa ni Andanar ang pahayag kasabay ng paggunita ngayong araw sa ika-157 na kaarawan ni Bonifacio.

Ayon kay Andanar, magsilbi sanang halimbawa ang katapangan ni Bonifacio na nagmulat sa mga ninuno na maging malaya at nagkaroon ng determinasyon para harapin ang mga pagsubok sa buhay gaya ng paglaban sa kahiralan, insurgency, terorismo, korapsyon, ilegal na droga at ang pinakabgong pandemya sa COVID-19.

“May his bravery and courage, that helped to awaken in our forefathers the desire for liberation and self-determination, be a source of inspiration to all Filipinos as well as be a source of strength as we continue to face societal ills and challenges such as poverty, insurgency, terrorism, corruption, illegal drugs, and recently, the COVID-19 pandemic,” ani Andanar.

Dapat aniyang gayahin ang nationalism ni Bonifacio para maging makabagong bayani.

Hangad ni Andanar na maging inspirasyon ang mga ginawa ni Bonifacio para makamit ang ang
justice, prosperity, tranquility, at komportableng pamumuhay sa bawat Filipino.

 

 

TAGS: Bonifacio Day, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Presidential Communications Secretary Martin Andanar, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bonifacio Day, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Presidential Communications Secretary Martin Andanar, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.