Baganga, Davao Oriental muling niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.5 sa 63 kilometers northeast ng bayan ng Baganga alas-10:45 umaga ng Lunes (November 30).

May lalim itong 7 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Ito na ang ikaanim may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Davao Oriental ngayong araw.

Nauna nang naitala ang sumusunod na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental:

Magnitude 3.1 sa Baganga, 8:56 ng umaga
Magnitude 3.2 sa Baganga, 7:51 ng umaga
Magnitude 3.5 sa Baganga, 7:35 ng umaga
Magnitude 3.0 sa Governor Generoso, 4:00 ng umaga
Magnitude 3.1 sa Governor Generoso, 2:05 ng umaga.

 

 

Read more...