Speaker Velasco walang kinalaman sa umano ay realignment ng pondo ng ilang kongresista
Idinepensa ni House appropriations panel chairman ACT-CIS Rep. Eric Yap si House Speaker Lord Alan Velasco sa isyu ng pag-realign umano sa pondo ng ilang ahensya sa ilalim ng panukalang 2021 budget.
Kasunod ito ng mga balitang tumaas ang budget allocation ng mga kaalyado ni bagong House Speaker Velasco habang nabawasan naman ang alokasyon sa mga malapit kay dating Speaker Alan Peter Cayetano nang magpalitan ng liderato sa Kamara.
Sinabi ni Yap na wala siyang nakitang nagkaroon ng paglilipat ng budget allocations nang maupo si Velasco sa pwesto.
Hindi rin aniya nakialam si Velasco sa amendments sa budget ng mga ahensya ng gobyerno.
Una nang sinabi ni Senator Panfilo Lacson na kapansin-pansin na tumaas ang budget allocations para sa mga kaalyado ni Velasco habang lumiit naman ang sa mga kaalyado ni Cayetano.
Tinukoy ni Lacson na kabilang sa mga nakaltasan ng budget ay ang distrito ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte.
Kinumpirma naman ni Villafuerte na umabot sa P386 million ang nakaltas na budget sa tatlong flagship projects ng Duterte administration sa Bicol.
Paliwanag ni Yap, ang desisyon sa pag-realign ng pondo ay galling sa DPWH mismo na inadopt lang ng komite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.