6,286 PUJ drivers nakapagparehistro sa service contracting program ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2020 - 09:50 AM

Umabot sa 6,286 ang bilang ng mga driver ng jeep na nakapagparehistro sa limang araw na general registration at orientation activity para sa service contracting program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Isinagawa ang registration process simula Nov. 25 hanggang kahapon, Nov. 29.

Ang Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB ay alinsunod sa Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover As One, upang makapagbigay ng karagdagang kita sa mga driver ng jeep at bus.

Ang mga driver ay sumailalim sa orientation ng LTFRB at ng Systems Manager upang mas maintindihan nila ang saklaw ng Service Contracting Program.

Matapos ito ay isinumite ng mga tsuper ang kanilang Indemnity Forms at pumirma ng kontrata upang mapabilang sa programa.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, jeepney drivers, ltfrb, Philippine News, Radyo Inquirer, Service Contracting Program, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, jeepney drivers, ltfrb, Philippine News, Radyo Inquirer, Service Contracting Program, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.