Mas mahaba at mas malalim ang Presidential debate sa Cebu ayon sa Comelec

By Isa Avendaño-Umali March 20, 2016 - 08:58 AM

debatesMas mahaba ang diskusyon pero ‘less’ o mas kakaunti ang advertisements sa ikalawang leg ng presidential debates na gaganapin sa Cebu City mamayang hapon.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections o Comelec Chairman Andres Bautista kaugnay sa pangalawang PiliPinas Debates 2016 sa Performing Arts Hall ng University of the Philippines-Cebu sa ganap na alas-singko ng hapon, na sponsored ng TV5 at Philippine Star.

Kabilang sa mga kumpirmadong dadalo ay sina Vice President Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance; dating DILG secretary Mar Roxas ng Liberal Party; Independent candidate Senator Grace Poe; at Davao Mayor Rodrigo Duterte of PDP-Laban.

Hindi naman makakapunta si Senator Miriam Defensor Santiago dahil kailangan niyang sumailalim sa clinical trial procedure laban sa sakit na cancer.

Ayon kay Bautista, tiniyak daw sa kanya ng media partners na sa tatlong oras na debate period, wala masyadong commercials, bukod pa sa iba na ang paraan ng pagtatanong sa bawat round.

Sa unang round, isnag panelist ang magtatanong sa Presidential candidates, habang sa ikalawang round, ang bawat kandidato ay pwedeng magtanong sa kapwa debater.

Matatandaang umani ng batikos ang naunang PiliPinas Debates sa Mindanao dahil sa dami ng advertisememts o kabuuang 48 minutes.

 

TAGS: #VotePH2016, PiliPinas debates 2016, #VotePH2016, PiliPinas debates 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.