Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.1 na lindol
Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.1 sa 77 kilometers southeast ng bayan ng Tarragona alas-8:56 umaga ng Lunes (November 30).
May lalim itong 1 kilometer at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Ito na ang ikalimang may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Davao Oriental ngayong araw.
Nauna nang naitala ang sumusunod na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental:
Magnitude 3.2 sa Baganga, alas-7:51 ng umaga
Magnitude 3.5 sa Baganga, alas-7:35 ng umaga
Magnitude 3.0 sa Governor Generoso, alas-4:00 ng umaga
Magnitude 3.1 sa Governor Generoso, alas-2:05 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.