Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 130,000 pa
By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2020 - 08:13 AM
Umabot na sa lagpas 13.2 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.
Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 134,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.
Dahil dito, umabot na sa 13,746,232 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 8.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 5.3 million pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 800 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 273,064 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.