Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.5 sa 77 kilometers northeast ng bayan ng Baganga alas-7:35 umaga ng Lunes (November 30).

May lalim itong 4 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...