Tatlo pang mambabatas sa Kamara sumapi sa Lakas-CMD
Tatlo pang kongresista ang sumapi sa political party na Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, party president, ito ay sina Cavite 2nd District Rep. Strike Revilla, Cagayan Rep. Samantha Vargas-Alfonso, at Davao Occidental Rep. Lorna Bautista-Bandigan.
Dahil dito, umabot na sa 45 ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara.
Si Revilla ay dating bahagi ng National Unity Party (NUP).
Ani Romualdez, sa pagpapalakas ng partido ay mas mapag-iigting ang pakikipagtulungan nila kay House Speaker Lord Allan Velasco na maipasa ang mga legislative agenda ni President Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.