Bus inararo ang mga barrier sa EDSA Busway

Isang bus ang umararo sa mga barrier sa EDSA northbound malapit sa bahagi ng Kamuning.

Ayon sa rumespondeng tauhan ng MMDA, ang naaksidenteng Dagupan Bus ay pribadong service ng isang kumpanya kaya hindi ito dapat dumaan sa loob ng EDSA Busway.

Isang pampasaherong bus din ang nahagip ng naturang bus.

Masyado umanong mabilis ang takbo ng private service na bus habang dumadaan sa Busway.

Nangyari ang aksidente bago mag alas 6:00 ng umaga.

Agad namang inialis sa Busway ang naaksidente bus para hindi makaabala sa biyahe sa EDSA Carousel.

 

 

Read more...