NCRPO naka-alerto sa pagsasagawa ng Earth Hour

By Den Macaranas March 19, 2016 - 07:04 PM

earth hour
Photo by Jong Manlapaz

Naka-antabay ang buong pwersa ng National Capital Regional Police Office dito sa Metro Manila kaugnay sa taunang pagsasagawa ng Earth Hour.

Mamayang 8:30PM hanggang 9:30PM ay sabay-sabay na magpapatay ng ilaw ang ilang mga establishemento at mga tahanan bilang pakiki-isa sa kampanya laban sa climate change.

Sinabi ni NCRPO Dir. Joel Pagdilao, may posibilidad na samantalahin ng mga masasamang grupo ang kadiliman kaya sila ay naka-alerto sa mga ganitong bagay.

Ang lungsod ng Makati ay isa sa mga magiging sentro ng mga programa kaugnay sa Earth Hour.

Noong isang taon ay umabot sa halos ay 7,000 na mga lungsod at mga bayan sa buong mundo ang lumahok sa Earth Hour kung saan Pilipinas ang isa sa mga aktibong nakikilahok dito.

Taong 2007 nang simulan ng World Wildlife Fund (WWF) sa Sydney Australia ang nasabing programa na naglalayong gisingin ang kamalayan ng mga tao sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng paglimita sa pag-gamit ng fossil fuel.

TAGS: Earth Hour, NCRPO, Pagdilao, PNP, Earth Hour, NCRPO, Pagdilao, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.