Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng dalawang lindol

Niyanig ng dalawang lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.1 na pagyanig sa 139 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso, alas-2:05 umaga ng Lunes (November 30) at may lalim na 118 kilometers.

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 142 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Governor Generoso, alas-4:00 ng umaga at may lalim na 27 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...