Cataingan, Masbate niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometer southeast ng bayan ng Cataingan, alas-4:23 umaga ng Lunes (November 30).
May lalim na 16 kilometes at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang intensity 3 sa Masbate City at intensity 2 sa Irosin at Magallanes, Sorsogon.
Naitala rin ang sumusunod na instrumental intensities:
Intenisty III – Masbate City
Intensity II – Legaspi City
Intensity I – Naval, Biliran; Palo, Leyte; Roxas City
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.