Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,069 na

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Linggo, November 29), nasa 5,069 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 3 ang nadagdag.

Isa naman ang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nasa 160 na.

Ang bilang naman ng active cases ay 68 kung saan 6 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 5,297 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

 

 

 

Read more...