Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (November 29), 8,103 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 370 ang aktibo pang kaso.
38 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 7,707 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 26 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES