Pacquiao hindi pinapasok sa L.A mall na tambayan ng LGBT community
Sinabi ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na hindi sumama ang kanyang loob makaraan siyang pagbawalang pumasok sa loob ng isang mall sa Los Angeles.
Aminado naman siya na lahat sila’y nagulat nang sabihin ng may-ari ng The Grove na banned ang People’s Champ pati na rin ang kanyang buong entourage sa pagpasok sa loob ng mall.
Nagpunta ang buong Team Pacquiao sa The Grove na hindi naman kalayuan sa Wild Card Gym para manood ng sine makaraan ang halos ay maghapong preparasyon para sa kanyang April 9 fight kay Timothy Bradley.
Sinabi ng may-ari ng mall na maraming miyembro ng LGBT community ang pumupunta sa kanyang establishemento at tiyak na hindi nila gustong makita doon si Pacquiao.
Magugunitang kamakailan ay nagbigay ng isang mabigat na pananalita si Pacman kontra sa same-sex relationship.
Noong 2012 ay pinagbawalan din si Pacquiao na pumunta sa The Grove dahil sa kahalintulad na komento ng Pambansang Kamao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.