Mga magsasaka sa Boac, Marinduque nakatanggap ng seed capital assistance at farm machineries
Nagbigay ng maagang pamasko ang Department of Agrarian Reform sa mga magsasaka sa Boac, Marinduque.
Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, hangarin ng hakbang na ito na maiparamdam sa mga mga magsasaka ang presensya ng pamahalaan at payapain ang sakit na dulot ng mga dumaang bagyo at ang patuloy na pananalasa ng COVID-19.
Kabilang sa nga ipinamahagi ng DAR ang seed capital assistance at farm machineries upang makatulong na doblehin ang kanilang mga ani, gayundin ang mga relief food packs para panatilihin silang malusog at masigla sa pagsasaka.
Ang seed capital assistance ay nagkakahalaga ng P4.064 milyon na kinabibilangan ng 11 cargo motorbike tricycle at 1,069 sako ng regular milled commercial rice para sa 11 clusters, at 90 baboy, at 60 sako ng grower feeds naman ang mapupunta sa dalawang clusters.
Dalawang agrarian reform beneficiaries’ organizations ang mabibiyayaan ng farm machineries and equipment na may kabuuang halaga na P1 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.