PAL flight na biyaheng Cebu nag-emergency landing sa NAIA
Isang eroplano ng Philippine Airline na byaheng Cebu ang nagrequest ng emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ilang minuto matapos ito mag-take off.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) Fire Department, kaninang 2:32 ng hapon ng mag-take off ang eroplano ng PAL na may flight number PR-1857 ng magdeklera ito ng emergecy at nagrequest ng emergency landing sa Manila tower matapos na may makitang usok sa cockpit.
Kaninang 2:42PM ay maayos na nakalapag sa NAIA ang PAL Flight PR-1857 at ligtas naman ang lahat ng mga pasahero nito.
Pansamantala nilagay sa ramp ang eroplano para isailalim sa pagsusuri ng MIAA fire department para makita kung ano ang sanhi ng pag-usok sa loob ng cockpit.
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Airline sa nasabing pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.