Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 62,573,187 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 13,610,357 cases.
Sumunod na rito ang India na may 9,393,039 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 6,290,272 naman ang kaso sa Brazil habang 2,242,633 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 2,208,699
– Spain – 1,646,192
– United Kingdom – 1,605,172
– Italy – 1,564,532
– Argentina – 1,413,375
– Colombia – 1,299,613
– Mexico – 1,100,683
– Germany – 1,041,970
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,458,305 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 43,193,984 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.