Apela ni Sen. Go sa publiko, iwasan muna magdaos ng party

By Chona Yu November 29, 2020 - 12:48 PM

Umaapela si Senador Bong Go sa publiko na kung maari ay iwasan na muna ang pagsasagawa ng mass gathering o mga party sa panahon ng Pasko.

Ayon kay Go, ito ay para makaiwas sa sakit na COVID-19.

Ayon kay Go, bagamat naiintindihan niya ang kahalagaan ng family gathering sa Pasko, hindi dapat na kalimutan na mas mahalaga pa rin ang kaligtasan.

“Ako, dine-discourage ko po ang any party, any celebration. Maaaring magkahawaan ng sakit,” pahayag ni Go.

Una rito, hinikayat ni Go ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na maglatag ng gabay para sa pagsasagawa ng mga Christmas party

“Safety first. Para sa akin, unahin muna natin ang kalusugan ng ating mga kababayan. Mas importante sa akin ang buhay ng bawat Filipino. Ang pera po ay kikitain natin pero ‘yung perang kikitain natin ay hindi mabibili ang buhay. A life lost is a life lost forever,” pahayag ni Go.

“Kasama natin ang ating pamilya, pero wala munang parties dahil delikado pa po habang wala pa pong vaccine, no time to celebrate, ‘wag muna tayong mag-celebrate, ang importante kasama natin pamilya sa isang bahay,” dagdag ng Senador.

TAGS: Christmas during pandemic, Christmas gathering, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Christmas during pandemic, Christmas gathering, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.