3,139 pamilya na nasa granular lockdown, naayudahan ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang 8:00, Biyernes ng gabi (November 27), umabot na sa higit P16.8 milyon ang naipamahagi ng kagawaran sa 3,139 pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown.

Samantala, higit P152.6 milyon naman ang naipamahagi sa 21,581 karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2.

Read more...