LOOK: Pagsasaayos ng turnouts sa MRT-3 Taft Avenue station
Inayos ang mga turnout sa Taft Avenue station ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa araw ng Sabado, November 28.
Partikular na inayos sa nasabing istasyon ng tren ang bahagi ng 2B at 3D sections.
Natapos nang palitan ang mga turnouts sa 2A at 3C sections sa Taft Avenue station noong ika-15 ng Nobyembre 2020.
Bahagi ito ng malawakang rehabilitasyon ng Sumitomo-MHI-TESP, maintenance provider ng MRT-3.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na makatutulong ang pagsasaayos ng turnouts sa pagpapataas ng bilis ng mga tren sa 60 kilometers per hour sa Disyembre.
Dahil dito, pansamantalang ipinatigil ang operasyon ang MRT-3 hanggang Nobyembre 30, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.